Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba sa 180 meters

Bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam sa halos 180 meters, araw ng Linggo.

Ayon sa PAGASA weather bureau, bandang 6:00 ng umaga, umabot sa 179.97 meters ang water level sa naturang dam.

Ibig-sabihin, maikokonsidera na sa low water level ang sitwasyon ng dam.

Noong araw ng Biyernes, nagpaalala ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na magtipid ng tubig para maiwasan ang pag-abot ng Angat Dam sa critical level.

Samantala, matatandaang naitala ang pinakamababang antas ng tubig sa dam noong July 2010 sa 157.56 meters.

Ito ay kasunod din ng umiral na El Niño phenomenon.

Read more...