Duterte, naging prangka kay Xi; Territorial rights sa WPS, iginiit
Idiniga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang territorial rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay National Security Adviser Hermohenes Esperon Jr., inilahad ng pangulo ang arbitral ruling sa bilateral meeting kay Xi noong Miyerkules.
Ayon kay Esperon, masidhi ang naging paninindigan ng pangulo, naging prangka, substantive at naging produktibo aniya ang pakikipag-usap ng punong ehekutibo kay Xi.
Sinabi pa ni Esperon na ang bilateral meeting noong Miyerkules ng pangulo kay Xi ang pinakamagandang pagpupulong aniya ng dalawang lider.
Hindi inakala ni Esperon na masasabi at naging diretso at prangka ang pangulo kay Xi.
Nagtungo si Pangulong Duterte sa Beijing para dumalo sa Belt and Road Forum na ginanap noong April 25 hanggang 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.