Pagdalo ni Duterte sa Belt and Road Forum sa China, naging matagumpay

Palace photo

Naging matagumpay ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang Belt and Road Forum na ginanap sa Beijing, China noong April 25 hanggang 27.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, naidiga ni Duterte sa China ang independent foreign policy kung saan naiangat sa mas mataas na antas ang diplomatic relations sa ibang bansa.

Ayon kay Panelo, national security at interes ng bansa ang laman ng foreign policy para makamit ang inaasam na national development.

Dagdag ni Panelo, nangako rin si Pangulong Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Le Keqiang ng friendship at understanding para maayos na maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.

Read more...