Sunog, sumiklab sa isang apartment unit sa Cebu City

Nasunog ang isang apartment unit sa Cebu City, Linggo ng madaling-araw

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Romeo Birao Jr., unang napaulat na nagsimula ang apoy bandang 1:59 ng madaling-araw.

Agad naman aniya itong naapula ng mga rumespondeng bumbero makalipas ang 32 minuto.

Posible aniyang electric misuse ang dahilan ng pagsiklab ng sunog sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng 2-storey building na pag-aari ni Police Sergeant Mark Remedio.

Si Remedio na nakatalaga sa Cebu City Police Office ay patungong Leyte nang mangyari ang aksidente.

Umabot naman sa P20,000 ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...