Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Jupiter St., Barangay Bel-Air, Makati Sabado ng gabi.
Nagsimula ang sunog alas 9:30 ng gabi at bandang 10:15 ng gabi itinaas na ito sa ikalawang alarma.
Kabilang ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa mga tumugon sa sunog.
Nagpadala ang PRC ng isang ambulansya, isang fire truck at siyam na tauhan para tumugon sa sunog.
Dakong 11:56 ng gabi nang magdeklara ng under control sa sunog.
Wala pang impormasyon kung ano ang maaaring pinagmulan ng sunog at ang halaga ng ari-arian na natupok.
HAPPENING NOW: PRC responded to a fire incident in Jupiter St. Brgy. Bel Air, Makati. Fire is now at 2nd alarm. We dispatched a firetruck, an ambulance and a manpower of nine to the scene. Updates to follow. pic.twitter.com/mw6en6eDxR
— Philippine Red Cross (@philredcross) April 27, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.