Aftershocks ng M6.1 na lindol sa Luzon, higit 800 na; pinsala sa ari-arian umabot na sa P505M

By Len Montaño April 27, 2019 - 11:57 PM

Mahigit 800 aftershocks na ang naitala mula ng tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon kabilang ang Metro Manila.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa 821 aftershocks, 108 ang plotted at 10 lang ang naramdaman na nasa pagitan ng magnitude 1.4 hanggang 4.5 at Intensity I hanggang III.

Nasa 18 ang nasawi, 243 ang nasugatan at lima ang nawawala bunsod ng lindol.

Samantala, umabot na sa mahigit P505 million ang halaga ng pinsala sa mga eskwelahan, kalsada at tulay sa mga tinamaang rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.

Nasa 1,549 naman ang nasirang mga bahay habang 334 ang mga istraktura at gusali.

Kabuuang P1.6 million na tulong mula sa national at local governments ang naibigay na sa Central Luzon.

Samantala, ang magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Norte ay nagresulta na sa mahigit 200 aftershocks.

 

TAGS: aftershocks, Central Luzon, lindol, magnitude 5.5, magnitude 6.1, NDRRMC, pinsala, surigao del norte, aftershocks, Central Luzon, lindol, magnitude 5.5, magnitude 6.1, NDRRMC, pinsala, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.