Konsehal sa Pangasinan , pinatay

By Jan Escosio December 08, 2015 - 10:51 AM

SAN CARLOS PANGASINANInaalam pa rin ang motibo sa pagpatay sa isang lokal na opisyal ng lungsod ng San Carlos sa Pangasinan.

Ayon kay Supt. Charlie Umayam, ang hepe ng pulisya ng lungsod, pasado ala cinco ng hapon kahapon nang madiskubre ang bangkay ni Coun. Mienrado Ynzon, 60 anyos, sa loob ng kanyang Mitsubishi Montero Sport na nakaparada sa harapan ng Heaven Found Bible Baptist Church sa Barangay Talang.

Aniya ang driver ng biktima na si Mark Joseph Rosario ang nakadiskubre sa bangkay nang mapansin niya ang sasakyan ng amo, na dapat ay dadalo sa isang pulong sa city hall.

Sinabi pa ni Umayam sinakal gamit ang seat belt ng sasakyan ang konsehal at tadtad din ng saksak ang katawan nito.

Binanggit pa nito na pinag-aaralan na nila ang isang kaso na kinasasangkutan ni Ynzon bilang posibleng motibo sa insidente.

TAGS: Konsehal sa Pangasinan, San Carlos sa Pangasinan, Konsehal sa Pangasinan, San Carlos sa Pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.