Ilang lugar sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Bacoor mawawalan ng tubig
Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ng Sabado, April 27 hangang Linggo, April 28 ang ilang mga lugar na binibigyan ng serbisyo ng Maynilad.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang Maynilad kaugnay sa nasabing service interruption.
Base sa kanilang advisory sa Twitter, sisimulan ang water service interruption mamayang alas-sais ng gabi sa mga sumusunod na lugar.
Sa Las Piñas City ay kasama ang mga barangay ng Alamanza Uno, BF International/CAA, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar,Pulanglupa Dos,Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kuatro, Talon Singko, T.S. Cruz Subdivision, BF Almanza at Almanza Dos.
Sa Muntinlupa City ay mawawalan ng tubig ang Brgy. Alabang, Ayala Alabang at Cupang.
Sa Parañaque City ay apektado ang buong Sucat area kasama ang BF Homes (Heva, Rio De Janeiro/Palace, V. Valdez/Tropial Avenue, Marcelo Avenue/J. Elizalde, N. Abelardo and Inner Circle).
Mawawalan rin ng suplay ng tubig sa Bacoor City sa Cavite partikular na sa Molino II, Molino III, Molino VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West at San Nicolas III.
Samantala, sinabi ng Maynilad na ilang barangay sa Muntinlupa City ang wala nang suplay ng tubig mula kanilang 1 p.m. at tatagal ito hanggang, April 27, 3 a.m. araw ng Linggo.
Kasama dito ang Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan.
Para sa mga katanungan ay pwedeng makipag-ugnayan ang publiko sa Maynilad sa pamamagitan ng kanilang hotlines na 1626 sa Metro Manila at 1800-1000-92837 para sa mga taga-Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.