Inilabas ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang isang matrix kung saan ay naroon si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga anak na sina Mayor Sara at Paolo kasama ang ilang mga negosyante na anila’y mga “Anti-Worker’.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni KMU Executive Vice Chairman Lito Ustarez na patikim pa lamang ito sa kanilang mga ginawang paghahanda para sa Labor Day sa May 1.
Kasama rin sa matrix sina Presidential Spokesperson Salvador Panelo, senatorial candidate Christopher “Bong” Go at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Kasama rin sa listahan ang mga larawan nina US President Donald Trump and Chinese President Xi Jinping.
Ang nasabing mga personalidad umano ang dahilan kung bakit maraming mga manggagawa ang patuloy na naghihirap sa bansa.
Kasabay nito, iginiit ng grupo na dapat nang itaas sa P750 ang minimum wage para sa mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa mga nakalipas na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.