Binalaan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga ralyista sa Labor Day sa May 1 na huwag maging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko.
Ito ay kaugnay sa inaasahang mga kilos-protesta na lalahukan ng iba’t ibang mga labor groups.
Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na nakahanda ang kanilang Civil Disturbance Management Unit na rumesponde sakaling magkaroon ng kaguluhan sa araw ng paggawa.
Gayumman ay tiniyak ng opisyal na magpapatupad sila ng maximum tolerance para sa mga ralyista.
Sinabi ni Eleazar na karapatan ng nasabing mga grupo na maghayag ng kanilang saloobin sa ilang labor issues pero hindi ito dahilan para pagmulan sila ng mga kaguluhan.
Bagaman may mga grupong nakipag-coordinate na sa NCRPO para sa mga gagawing kilos-protesta pero inaasahan nila na marami rin ang gagawa ng mga hiwalay na pagkilos.
Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga rallies ay ang Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda, Aurora Blvd. at Welcome Rotonda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.