Military officer umaming pumatay sa tatlong Pinay sa Cyprus

By Jimmy Tamayo April 27, 2019 - 10:38 AM

AP

Nakikipagtulungan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Cypriot authorities kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng tatlong Filipina na unang napaulat na nawawala sa nasabing bansa higit isang taon na ang nakalipas.

Ito’y matapos ang pag-amin ng isang hindi pinangalanang militar officer na siya ang nasa likod ng pagpatay sa tatlong Pinay at iba pang mga babae.

Ayon sa imbestigador na humarap sa korte, may nakita silang larawan ng temporary residence permit ng isa sa biktima na kinilalang si Maricar Valtez Arquiola na nasa bahay ng 35-anyos na military captain.

Ang nasabing larawan ay kuha noong December 2017, ang araw namawala si Arquiola.

Inamin naman ng suspek ang pakikipagkita niya sa biktima isang araw bago ito mapaulat na nawawala.

Nitong huwebes, natagpuan ang bangkay ni Tiburcio sa isang mababaw na hukay at matapos ang 6 na araw ay isa pang bangkay ng babae ang nakita sa abandonadong lagusan.

Kinilala ang dalawa pang Filipina na sina Marry Rose Tiburcio,  38-anyos ;  Arian Palanas Lozano, 28-anyos habang patuloy na nawawala ang 6-taong gulang na anak ni Tiburcio na si Sierra.

Natunton ang suspek makaraang suriin ang mga online activity ni Tiburcio na naging lead ng otoridad para matukoy ang sundalo.

Napag-alaman rin na suspek rin ang nasabing sundalo sa pagpatay sa ilan pang mga kababaihan sa lugar.

Samantala, dumating na sa Cyprus ang isang grupo mula sa Philippine Embassy sa Athens para tumulong sa imbestigasyon ng kaso.

Ang pagkawala ng 3 kababaihan ay nauna nang ipinagbigay alam ng Philippine Embassy sa pulisya sa Cyprus.

TAGS: cycpus, Murder, ofw, OWWA, pinay, POEA, cycpus, Murder, ofw, OWWA, pinay, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.