Surigao del Norte niyanig ng sunud-sunod na lindol

By Jimmy Tamayo April 27, 2019 - 10:25 AM

Phivolcs

Nakapagtala ang Phivolcs na ilang mahihinang pagyanig sa Surigao del Norte madaling araw ng Sabado.

Alas-2:43 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan ng General Luna.

Sinundan ito ng magnitude 4.6 na lindol bandang 3:11 ng madaling araw.

Ang ikatlong pagyanig ay naitala dakong alas-4:08 ng madaling araw sa magnitude 4.6.

Makaraang ang 20-minuto ay naramdaman naman ang magnitude 5 na lindol na sinundanan ng magnitude 4.5 quake bandang alas-5:22 ng madaling araw.

Biyernes ng hapon nang yanigin ang Surigao del Norte ng magnitude 5.3 na lindol.

TAGS: earthquake, magnitude, Philvocs, surigao del norte, earthquake, magnitude, Philvocs, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.