Avengers nagpasalamat sa mga Pinoy fans

May mensahe ng pasasalamat sa Filipino fans ang ilang cast at direktor ng pelikulang “Avengers:Endgame.”

Sa video na ipinost sa Official Facebook page ng Marvel,  nagpasalamat sa Filipino audience na tumangkilik ng pelikula sina Robert Downey,Jr., Jerremy Renner at si Brie Larson.

Sa kanyang mensahe, labis na nagpasalamat si Downey sa mga Marvel Fans na nasa Pilipinas at sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga pelikula sa loob ng 10 taon.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang direktor ng pelikula na sina Joseph at Anthony Russo.

Ang “Avengers:Endgame” ay nagbukas sa mga sinehan sa bansa noong April 24 at agad na gumawa ng record makaraang kumita ng P205-milyon sa unang araw nito sa mga sinehan.

Read more...