$5.4-B na Mislatel telecommunication deal selyado na

By Den Macaranas April 27, 2019 - 09:26 AM

Inquirer file photo

Inihayag ng Udenna Corp. na tuloy na tuloy na ang pagpasok ng Mislatel consortium sa telecom industry sa bansa makaraan silang lumagda kasama ang China Telecommunications sa $5.4 Billion deal.

Ang Udenna kasama ang isa pang kumpanya na Chelsea Logistics Holding Corp. na pag-aari rin ng negosyanteng si Dennis Uy ay isinapormal ang kanilang investment interest para sa pagtataguyod ng ikatlong telecommunications service provider sa Pilipinas.

“The signing of the investment agreement reiterates the group’s commitment to take up the challenge of providing better telecommunications services in the country,” ayon sa pahayag ng Udenna.

Ang Udenna, Chelsea, at China Telecom ang siyang bubuo sa Mislatel consortium.

Ang Mislatel ang nanalong bidder sa isinagawang selection process ng National Telecommunication Commissions at Department of Information and Communications Techonology (DICT) noong November, 2018.

Ang kasunduan sa pagitan ng Udenna, Chelsea Logistics Holding Corp. at China Telecommunications aty isinagawa sa Second Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) sa  Beijing, China.

Si Uy, chairman of Udenna and Chelsea, at Ke Ruiwen, chairman of China Telecom, ang nanguna sa paglagda sa kasunduan.

Nauna nang ipinangako ng Mislatel na gagawin nilang mabilis ang internet connection sa bansa sa mas murang halaga.

TAGS: BUsiness, chelsea logistics, China Telecom, dennis uy, dict, mislatel, NTC, telco, BUsiness, chelsea logistics, China Telecom, dennis uy, dict, mislatel, NTC, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.