Yellow alert maagang itinaas ng NGCP sa buong Luzon
Maaga pa lamang ngayong araw ng Sabado ay itinaas na ng ng National Grid Corporation of the Philippine ang yellow alert para sa buong Luzon grid.
Ito ay epektibo alas-nueve ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon muli mamayang alas-sais ng gabi hanggang alas-diyes ng gabi.
Sinabi ng NGCP na masyadong manipis ang available capacity ng mga planta na 10,638 megawatts.
Ngayong araw ng Sabado ay inaasahang aabot sa 9,989 megawatts ang peak demand.
Patuloy ang kanilang apela sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente para maiwasan ang power interruptions partikular na sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.