Rider patay matapos sumalpok sa pader sa Zamboanga

Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa pader ng isang bahay sa Zamboanga City Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Baring, 29 anyos at nagdedeliver ng softdrinks.

Ayon sa katrabaho ng biktima na si Marvin Ramos, nakipag-inuman ito sa iba nilang kasamahan.

Dahil lasing posibleng hindi umano nakita ni Baring ang pader ng isang bahay at sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo.

Ikinasawi ng biktima ang matinding pinsala sa ulo dahil wala umano itong suot na helmet.

Sinabi ni Barangay Lunzaran chairman Joel Jose na accident prone ang lugar kaya nagbabala ito sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.

Read more...