Women Crisis Center sa Zamboanga City nasunog

By Len Montaño April 27, 2019 - 03:21 AM

Sumiklab ang sunog sa Women Crisis Center sa Zamboanga City Biyernes ng gabi.

Ayon kay Crisel Cose, tauhan sa center, nagsimula ang apoy sa isang kwarto sa ikalawang palapag pasado alas 8:00 ng gabi.

Mayroon anyang pumutok at mabilis na lumaki ang apoy.

Agad namang dumating ang mga bumbero kaya hindi na kumalat ang apoy sa unang palapag ng center.

Walang nasaktan sa sunog dahil nailikas ang 19 na babae na nasa loob ng center.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian.

Ang center ay nasa ilalim ng City Social Welfare and Development Office at ito ang nangangalaga sa mga batang babae na biktima ng pag-abuso o lumabag sa batas.

TAGS: 19 na babae, City Social Welfare and Development Office, nasunog, pumutok, walang nasaktan, Women Crisis Center, Zamboanga City, 19 na babae, City Social Welfare and Development Office, nasunog, pumutok, walang nasaktan, Women Crisis Center, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.