Search and retrieval operations sa Chuzon Supermarket ipinagpatuloy

By Rhommel Balasbas April 27, 2019 - 02:10 AM

Umarangkada muli ang search ang retrieval operations sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos ang lindol noong Lunes.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Pampanga Provincial Police noong Huwebes na clearing operations na ang isinasagawa dahil wala ng senyales ng buhay at wala ng bangkay sa pagguho.

Ayon sa rescue teams, may listahang ibinigay ang lokal na pamahalaan ng limang nawawala na hindi alam kung nasaan.

Hindi matiyak kung ang lima ay nasa loob ng gumuhong supermarket.

Ayon kay Sr. Supt. Samuel Tadeo ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Region 3, unti-unti ang ginagawang pagbaklas upang makapanigurado dahil may makita pang tao.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense – Region 3, batay sa kanilang accounting ay kumpleto na ang empleyado at guards at kasalukuyang tinatrabaho ang mga sinasabing civilian.

TAGS: 5 nawawala, Bureau of Fire Protection, Chuzon Supermarket, lindol, Office of Civil Defense, Pampanga, Pampanga Provincial Police, Porac, search and retrieval operations, 5 nawawala, Bureau of Fire Protection, Chuzon Supermarket, lindol, Office of Civil Defense, Pampanga, Pampanga Provincial Police, Porac, search and retrieval operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.