Aftershocks ng M6.1 na lindol sa Central Luzon, umabot na sa higit 700
By Len Montaño April 27, 2019 - 12:26 AM
Umabot na sa 767 ang naitalang aftershocks kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon.
Base ito sa update ng Phivolcs hanggang alas 10:30 Biyernes ng gabi.
Ayon pa sa Phivolcs, tatlong lalawigan ang pinaka-naapektuhan ng lindol sa rehiyon.
Ito ang mga probinsya ng Pampanga, Zambales at Bataan.
Iniulat din ng ahensya na nasa Intensity VII ang pinaka-mataas nilang nai-record at ito ay naramdaman sa Lubao, Pampanga.
Ang malakas na lindol na tumama sa rehiyon noong Lunes ay kumitil sa buhay ng 18 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.