LTFRB: Mga alagang hayop pwede na sa pampublikong sasakyan

Pwede nang isakay ng pet owners ang kanilang mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan.

Nakasaad ito sa memo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may petsang April 15 at naka-post sa website at social media accounts ng ahensya.

Ayon sa Memorandum Circular No. 2019-019, pwede nang isakay ang mga alagang hayop sa mga public utility vehicles basta ang mga ito ay nasa kulungan o ilalagay sa kaukulang animal compartment ng sasakyan.

Kung walang ibang pasahero ay pwedeng hawakan ng may-ari ang kanyang alagang hayop basta wala itong mabahong amoy.

Ayon sa LFTRB, ang pet owners ang responsable sa kalinisan at sanitation ng hayop.

Nagpaalala rin ang ahensya na hindi dapat makompromiso ang kaligtasan, convenience at kaginhawaan ng pasahero.

Hindi naman tinukoy ng LFTRB kung anong mga hayop ang makukunsidera na mga pets.

Read more...