LTFRB: Mga alagang hayop pwede na sa pampublikong sasakyan

By Len Montaño April 26, 2019 - 11:44 PM

Pwede nang isakay ng pet owners ang kanilang mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan.

Nakasaad ito sa memo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may petsang April 15 at naka-post sa website at social media accounts ng ahensya.

Ayon sa Memorandum Circular No. 2019-019, pwede nang isakay ang mga alagang hayop sa mga public utility vehicles basta ang mga ito ay nasa kulungan o ilalagay sa kaukulang animal compartment ng sasakyan.

Kung walang ibang pasahero ay pwedeng hawakan ng may-ari ang kanyang alagang hayop basta wala itong mabahong amoy.

Ayon sa LFTRB, ang pet owners ang responsable sa kalinisan at sanitation ng hayop.

Nagpaalala rin ang ahensya na hindi dapat makompromiso ang kaligtasan, convenience at kaginhawaan ng pasahero.

Hindi naman tinukoy ng LFTRB kung anong mga hayop ang makukunsidera na mga pets.

TAGS: alagang hayop, animal compartment, kompromiso, ltfrb, pampublikong sasakyan, pet owners, pets, PUV, sanitation, alagang hayop, animal compartment, kompromiso, ltfrb, pampublikong sasakyan, pet owners, pets, PUV, sanitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.