Higit 200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Cebu City; P1M halaga ng ari-arian natupok
Nawalan ng tirahan ang 220 pamilya o 921 katao sa sunog sa 149 kabahayan sa Sitio Silangan, Barangay Tejero sa Cebu City Biyernes ng hapon.
Naabatid na tatlong katao ang nasugatan sa kasagsagan ng sunog.
Ayon kay Wesley Yñigo, operations head ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), ito na ang pinakamalaking sunog sa lungsod ngayong Abril.
Sinabi naman ni Barangay Captain Hermogenes Galang Jr., pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Tejero Sports Complex katabi ng barangay hall.
Nagsimula ang sunog bago alas 5:00 ng hapon at umabot ito ng Task Force Alpha.
Iniimbestigahan ng mga otoridad ang impormasyon na nagkaroon ng sunog dahil may mga batang naglaro ng apoy.
Pag-uusapan naman ng barangay council kung magdedeklara sila ng state of calamity sa lugar bunsod ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.