3 patay sa salpukan ng truck at kotse sa Agusan

Bunawan Municipal Police photo

Patay ang tatlong katao matapos sumalpok ang isang kotse sa isang truck sa Bunawan, Agusan del Sur Biyernes ng umaga.

Ayon sa sa Bunawan Municipal Police, papuntang Butuan City ang kotse at sa Davao City naman ang truck.

Nabatid na biglang nag-swerve sa kabilang linya ang kotse, dahilan para bumangga ito sa kasalubong na truck.

Ligtas ang driver ng truck at nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Read more...