Iloilo City nasa state of calamity dahil sa problema sa tubig
Isinailalim ang Lungsod ng Iloilo sa state of calamity dahil sa krisis sa tubig sanhi ng umiiral na El Niño.
Sa kabila ng boycott ng 6 na konsehal sa sesyon Biyernes ng hapon, inaprubahan ng 8 miyembro ng Sangguniang Panglungsod ang deklarasyon ng state of calamity sa buong syudad.
Sa resolusyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), 63 barangay ang nakakaranas ng problema sa supply ng tubig dahil sa matinding init.
Mahigit 100,000 katao ang apektado ng krisis sa tubig o halos 30 porsyento ng populasyon ng Iloilo City.
Pinagbatayan din ng state of calamity ang “disruption of lifeline” dahil nawala ang supply ng linya ng Metro Iloilo Water District (MIWD) sa mga barangay.
Dahil sa hakbang ay P34.7 milyon ang pondo na pwedeng gamitin ng lokal na pamahalaan para tugunan ang problema.
Gagastos naman ng P8 milyon para sa pagrarasyon ng tubig sa mga barangay sa loob ng 90 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.