P1.5M halaga ng shabu nasabat sa Novaliches; 1 suspek patay matapos manlaban

By Angellic Jordan, Rhommel Balasbas April 26, 2019 - 08:54 PM

(UPDATE) Nasa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu at P360,000 halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng pulisya sa isang compound Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City araw ng Biyernes.

Pinasok ng mga operatiba ang compound sa bisa ng isang search warrant at naaresto ang 11 katao kabilang ang target na sina alyas Wayda at Baimen.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Chief District Directorial Staff Pol. Col. Enrico Vargas, isang taon isinailalim sa surveillance ang compound na tinitirahan ng umano’y miyembro ng Wayda Drug Group.

Ang mga suspek ay notoryus umanong tulak ng droga at nagsusuplay ng droga sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Depensa naman ni Wayda, itinanim lang ng mga pulis ang mga nakumpiskang bawal na gamot mula sa compound.

Samantala, dahil sa panlalaban ay nasawi ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas Bilao.

TAGS: alyas Bilao, arrested, buy bust, encounter, nanlaban, Novaliches, P1M halaga ng shabu, QCPD, Radyo Inquirer, search warrant, surveillance, War on drugs, Wayda Drug Group, alyas Bilao, arrested, buy bust, encounter, nanlaban, Novaliches, P1M halaga ng shabu, QCPD, Radyo Inquirer, search warrant, surveillance, War on drugs, Wayda Drug Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.