Bago ang drug test, sumalang muna sa isang araw na oprientation seminar kaugnay sa drug-free workplace ang mga empleyado ng DOTr sa kanilang Central Office sa Clark, Pampanga.
Sa isinagawang drug test, 809 na mga empleyado ang sinuri at tatlo sa kanila ang nagpositibo.
Ang mga nagpositibong empleyado ay sasailalim pa sa confirmatory test para maberipika ang inisyal na resulta.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, magpapatupad sila ng zero tolerance sa sinumang tauhan na malalamang sangkot sa ilegal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES