Mga turistang Chinese top violator sa mga ordinansa sa Boracay
Nanguna ang mga dayuhang Chinese bilang top violator sa mga ordinansa sa Boracay Island.
Sa isang panayam, sinabi ni Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit chief Wilson Enriquez na nasa 739 na turistang Chinese ang nahuling lumabag sa iba’t ibang ordinansa simula January 2019.
Kabilang dito ang anti-smoking, pagkakalat at pagkain sa beach.
Ani Enriquez, matitigas ang ulo ng mga Chinese sa kabila ng mga paalala ng mga tour guide.
Pangalawa naman sa top violators sa Boracay ay ang mga Koryano na may 277 paglabag.
Ipinaalam na ang datos ng mga lokal na tourism officer sa Chinese consul para ipagpatuloy ang istriktong pagtutok sa pagsunod sa mga ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.