WATCH: Sunog sa residential area sa Cebu City umabot sa Task Force Alpha

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 08:12 PM

CDND Photo
Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Tejero sa Cebu City.

Hapon ng Biyernes, April 26 nang sumiklab ang apoy sa Sitio Silangan 2 na mabilis na kumalat.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog at maraming mga bahay ang naabo.

Bagaman malaki ang apoy, wala namang naitalang nasugatan sa sunog.

Alas 6:00 ng gabi nang ideklarang kontrolado na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy pero ayon sa ilang residente, isang bata na naglaro ng posporo ang namataan bago sumiklab ang apoy.

TAGS: cebu, fire incident, Radyo Inquirer, Task Force Alpha, cebu, fire incident, Radyo Inquirer, Task Force Alpha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.