Bata patay, lolo at lola sugatan sa sunog sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 07:51 PM

Patay ang isang pitong taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang kaniyang lolo at lola sa sunog na naganap sa Minglanilla, Cebu.

Nadiskubre ang katawan ng batang si Justin Parsacala sa kaniyang kwarto sa Belmont Village sa Barangay Pakigne.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Parsacala alas 10:30 ng umaga ng Biyernes, Apr. 26.

Ayon kay Fire Officer 1 Fulbert Navarro, sa bahay ni Engr. Nazario Parsacala, lolo ng bata nagsimula ang apoy.

Sinabi ni Nazario na nagulat na lamang siyang may malaki nang apoy sa kaniyang kwarto.

Sinubukan umano niyang kunin sa kwarto ang apo pero hindi niya mabuksan ang pintuan ng kwarto.

Dahil mabilis ang pagkalat ng apoy wala nang nagawa si Nazario at misis niyang si Virginia kundi ang lumabas ng bahay.

Ang magulang ng bata ay kapwa nasa trabaho nang maganap ang sunog.

Alas 11:45 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Kapwa dinala sa ospital ang mag-asawa dahil nagtamo silan ng second degree burns sa kanilang katawan.

TAGS: 2 injured, boy died, fire incident, Radyo Inquirer, 2 injured, boy died, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.