Reklamong grave threat laban kay Kris Aquino ibinasura ng piskalya

Ibinasura ng piskalya ang reklamong grave threat na isinampa ni Nicko Falcis laban kay Kris Aquino.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang kopya ng resolusyon ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa nasabing resolusyon, ibinabasura ang reklamo laban kay Kris dahil sa kawalan ng probable cause.

Pinuna din ng piskalya ang hindi agad pag-aksyon ni Nicko para ireklamo si Kris gayung ang sinasabi nitong pananakot ay Sept. 2018 pa nangyari.

Ang reklamo ay isinampa ni Nicko at kapatid niyang si Atty. Jesus Falcis dahil sa pagbabanta umano ni Kris sa kanila sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Read more...