Sen. Koko Pimentel pinuna ang ballot postage fund ng Comelec sa overseas absentee voting

By Jan Escosio April 26, 2019 - 06:48 PM

Ibinunyag ni Senator Koko Pimentel III na tila inipit ng Comelec ang pera para sa pagpapadala ng mga balota sa mga nagparehistro para sa overseas absentee voting.

Ayon kay Pimentel may mga natanggap siyang sumbong na marami sa mga Filipino sa ibang bansa ang hindi pa nakakatanggap ng balota mula sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.

Aniya nalaman niya na 50 porsiyento lang ng pondo ang naibigay ng Comelec sa Department of Foreign Affairs para sa pagpapadala ng mga balota.

Bunga nito apektado ang ilang Philippine consulates na maaring makapagsagawa ng absentee voting para sa papalapit na eleksyon.

Ani Pimentel humuhugot na lang ang ilang konsulado sa kanilang sariling bulsa para lang maipadala ang mga balota.

Hindi katanggap tanggap ito ayon kay Pimentel dahil maraming Filipino sa ibang bansa ang gumagawa pa ng paraan para lang makaboto.

Pagdidiin pa ng senador dapat ay sagot ng Comelec ang lahat ng gastusin para sa pagpapadala ng mga balota sa mga nais makibahagi sa oversehttps://radyo.inquirer.net/wp-admin/edit-comments.phpas absentee voting.

TAGS: elections, overseas absentee voting, Senator Koko Pimentel, elections, overseas absentee voting, Senator Koko Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.