Konsehal inaresto sa kaso ng pagpatay sa kapwa reelectionist councilor sa Negros Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 06:10 PM

Inaresto ng mga otoridad ang isang konsehal at isa pa kaugnay sa pagpatay sa isang reelectionist na councilor sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Ang biktimang si reelectionist Councilor Michael Garcia at kaniyang tiyuhin na si Mark Garcia na dating ABC PResident ay tinambangan noong Huwebes, Apr. 25.

Inaresto ang suspek na konsehal na isa ring reelectionist matapos na may makakita sa kaniya na kausap ang gunman.

Maliban sa konsehal na suspek, dinakip din ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT.

Ang dalawa ay mahaharap sa dalawang bilang ng kasong murder.

Dalawang iba pa na suspek sa pananambang sa magtiyuhin ang natukoy na at pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Pero ayon sa imbestigasyon, nasa 20 hanggang 30 ang sakaky ng pick-up, SUV at motorsiklo na bumaril sa dalawang biktima na pawang may takip sa mukha.

TAGS: ambush, Negross Occidental, reelectionist councilor, ambush, Negross Occidental, reelectionist councilor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.