Kaso ng pagpatay kina Karl Arnaiz at Kulot De Guzman hindi apektado ng pagkasawi ng akusadong pulis

By Erwin Aguilon April 26, 2019 - 05:50 PM

Tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso laban sa isa pang pulis na sangkot sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta hindi dahil sa namatay na si PO1 Ricky Arquilita at hindi na uusad ang kaso laban sa co-accused nito na si PO1 Jeffrey Perez.

Sinabi ni Acosta na malakas ang kaso laban sa mga pulis, na kahit isa na lamang ang lilitisin ngayon ay tuloy ang pagprisenta sa mga ebidensya.

Tumutugma anya ang halos lahat ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi.

Sinabi rin nito na nakakuha na sila ng death certificate ni Arquilita na nasawi noong Sabado de Gloria sa Valenzuela City Jail.

Paliwanag ng PAO chief madi-dismiss ang kaso laban kay Arquilita dahil sa kanyang pagkamatay.

Nahaharap sa kasong double murder sina Arquilita at Perez dahil sa pagpatay kina Arnaiz at De Guzman.

TAGS: accused cops, kian delos santos, Radyo Inquirer, accused cops, kian delos santos, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.