5.5 magnitude na lindol naitala muli sa General Luna, Surigao Del Norte
Sunud-sunod na aftershocks na ang naitatala sa Surigao del Norte matapos ang magnitude 5.5 na tumama pasado ala 1:30 ng hapon kanina. (Biyernes, Apr. 26).
Pinakamalakas na afterschocks na naitala ay ang magnitude 5.5 na lindol.
Tumama ito sa 64 kilometers northeast ng bayan ng General Luna alas 4:04 ng hapon.
Ayon sa Phivolcs naitala ang Intensity III sa General Luna, Intensity II sa Surigao City at Intensity I sa Gingoog City dahil sa nasabing lindol.
Simula nang tumama ang 5.5 magnitude na lindol ay umabot na sa mahigit 20 aftershocks ang naitala ng Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.