Nakapagsagawa na ang Philippine National Police ng higit kalahating milyong operasyon sa buong bansa kaugnay sa seguridad ng nalalapit na midterm elections.
Base sa inilabas na datos ng pambansang pulisya sa 576,983 operations; 532,445 ang isinagawa katuwang ang Comelec at halos 40,000 naman ay katulong nila ang AFP.
Kasama na rin sa bilang ang mga pagsisilbi ng search at arrest warrants at Oplan Bakal, Oplan Sita at Oplan Galugad.
May 4,729 naman ang naaresto sa mga nabanggit na operasyon at 4,449 sa kanila ay mga sibilyan; 38 ang pulis; 17 ang sundalo; 75 ang government and elected officials; siyam na banyaga at 39 na miyembro ng threat at private armed groups.
Nakumpiska na rin sa mga operasyon ang halos 40,000 baril, pampasabog, iba’t ibang uri ng armas at bala.
Sinabi ni PNP spokesman, Police Col. Bernard Banac, sinimulan nila ang focused operations kasabay ng unang araw ng gun ban period noong Enero 16.