Lakers Jersey ni Lebron James, top-selling jersey na sa NBA; Steph Curry naungusan

Ang Los Angeles Lakers jersey ni Lebron James na ang itinanghal na top-selling jersey ng NBA 2018-2019 season.

Naungusan ni James si Stephen Curry ng Golden State Warriors na tatlong magkakasunod na season na nanguna sa sales ng jersey.

Pumangatlo sa linya si MVP frontrunner Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Habang nasa 4th at 5th place sina Kyrie Irving ng Boston at Joel Embiid ng Philly.

Ang nasabing datos ay mula sa official NBA store kung saan mabibili ang orihinal na NBA jerseys.

Read more...