Parrot sumisigaw ng “police” para timbrehan ang kaniyang among drug pusher sa Brazil

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 04:01 PM

Isang alagang parrot ang kasamang dinampot ng mga otoridad sa Brazil sa sinalakay na bahay ng hinihinalang drug pusher.

Ang nasabing parrot kasi ay nagsisilbing lookout ng kaniyang amo at sumisigaw ng “Mamãe, polícia!” o “Mama, police!” kapag may parating na mga otoridad.

Ito ang nagsisilbing timbre sa kaniyang amo para makatakbo at makatakas sa mga pulis.

Natagpuan ang parrot sa bahay ng dalawang hinihinalang dealer ng cocaine.

Nang dumating ang mga pulis, nagsimula nang magsisigaw ang parrot.

Pero sa pagkakataong iyon, bigo ang mga amo ng parrot na agad makatakas.

Nadakip ng mga pulis ang isang lalaki at isang menor de edad na babae.

Dadalhin sa zoo ang parrot para sa pangangalaga.

TAGS: Brazil, drug suspect, parrot, Brazil, drug suspect, parrot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.