Pasahe sa Holiday Express bus, ibababa

By Jay Dones December 08, 2015 - 07:05 AM

Holiday Express Bus updatedMagbababa ng halaga ng pasahe ang mga Holiday Express Bus na bumabaybay mula sa Quezon City tungong Makati City.

Ito’y matapos langawin ang proyketong ito ng Department of Transportation and Communication sa unang tatlong araw ng implementasyon ng proyekto simula noong Sabado.

Ayon sa DOTC simula ngayong araw, Martes, magiging P64 na lamang ang pamasahe mula sa SM North EDSA tungong Glorietta 5 sa Makati City at vice versa mula sa dating P80 pesos.

Magiging P60 naman ang pasahe mula sa Trinoma Mall sa Quezon City hanggang sa Park Square mula sa orihinal na P80.

Samantala, ang dating P60 na bayad sa pasahe mula SM Megamall tungong Park Square ay magiging P40 na lamang .

From MMDA
From MMDA

Umaasa ang DOTC na tatangkilikin na ito ng mga commuters sa mga susunod na araw.

Simula noong Sabado, inumpisahan ang proyektong Holiday Express Bus na layon sanang magkaroon ng terminal-to-terminal na paghahatid ng pasahero sa kahabaan ng EDSA.

Gayunman, hindi ito gaanong tinangkilik ng mga mananakay.

Reklamo ng ilang mga sumakay sa express bus, sa Yellow lane o bus lane pa rin dumadaan ang mga ito kaya’t napipilitan pa ring huminto sa oras na may sasakay na pasahero sa mga nauunang bus.

Dahil dito, umaabot pa rin sa dalawang oras ang byahe mula Quezon City hanggang Makati.

TAGS: DOTC, Holiday Express Bus, DOTC, Holiday Express Bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.