WATCH: King of Catwalk na si Sinon Loresca at batang nag-trending sa kaniyang ‘sugar walk’ sabay na rumampa

FB Photo: Sinon Loresca
Sabay na rumampa ang tinaguriang King of Catwalk na si Sinon Loresca at ang batang nag-viral sa social media matapos bumili ng asukal na nakasuot ng takong.

Pumatok sa social media si Jhaypot Orbeta, na taga-Samar matapos itong makuhanan ng video na suot ang 5 inches na takong nang pabilihin ng asukal sa tindahan.

Agad inupload ng netizen ang video ni Jhaypot sa Facebook at mabilis itong kumalat at umani ng maraming views.

At dahil nasa Metro Manila ngayon si Jhaypot, isinama siya ni Loresca sa kaniyang vlog na ibinahagi sa Facebook.

Makikita ang dalawa na sabay na rumarampa suot ang sapatos na mataas ang takong.

Una nang sinabi ni Jhaypot na ang kaniyang paglalakad nang nakasuot ng takong ay inaral lamang niya sa panonood ng mga pageant.

Idol niya si Miss Universe Catriona Gray at pangarap niyang makita ito ng personal.

Read more...