Oil price hike sa susunod na linggo kumpirmado na

Kumpirmado nang may dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng kumpanyang Jetti, base sa resulta ng trading mula Lunes hanggang Huwebes, tataas ang halaga ng produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng Jetti, ang presyo ng diesel ay maaring tumaas ng 75 centavos hanggang 85 centavos bawat litro.

Habang 70 centavos hanggang 80 centavos naman ang maaring madagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang eksaktong halaga ng dagdag presyo ay malalaman base sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Read more...