Bahagi ng EDSA at C5 sasailalim sa repair ngayong weekend
Ilang bahagi ng EDSA at C5 ang sasailalim sa road reblocking at repair ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila ay mag-uumpisa alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, Abril 26.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang mga sumusunod:
SOUTHBOUND:
EDSA New York – Aurora Boulevard (unang lane mula sa sidewalk)
NORTHBOUND:
EDSA, harap ng Baliwag Transit hanggang New York St. (1st at 2nd lane mula sa sidewalk)
EDSA, pagkalagpas ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane)
C-5 Road, harap ng SM Aura (gitnang lane)
Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar para hindi maabala.
Sa Lunes, Abril 29 alas 5:00 ng umaga ay inaasahang bubuksan na sa mga motorista ang mga inayos na lansangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.