Lider ng private armed group sa Maguindanao aresto ng PNP

April 26, 2019 - 02:19 PM

PNP Photo
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang hinihinalang lider ng isang private armed group sa Maguindanao.

Ang suspek na si Datu Ibrahim Sema Sinsuat Jr., ay nadakip sa kaniyang hideout Biyernes (Apr. 26) ng umaga.

Si Sinsuat ay pinaniniwalaang lider ng Datu Ibrahim S. Sinsuat Group.

Nakuha sa kaniya ang isang 9-millimeter pistol, isang .45-caliber pistol, isang M16 rifle, apat na magazines at 84 na rounds ng iba’t ibang mga bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isasampa laban sa suspek.

TAGS: CIDG, maguindanao, PNP, private armed group, CIDG, maguindanao, PNP, private armed group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.