General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 01:52 PM
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao Del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 71 kilometers southeast ng General Luna ala 1:26 ng hapon ng Biyernes, Apr. 26.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 9 kilometers lamang.
Dahil sa nasabing pagyanig ay naitala ang Intrumental Intesties na Intensity II sa Gingoog City at Intensity I naman sa Surigao City.
Ayon sa Phivolcs maaring magdulot ng aftershocks ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.