Tuloy ang eleksyon sa May 2016-Malakanyang

 

Inquirer file photo

Hindi papayag ang Malacañang sa lumulutang na No-El o No Election scenario sa 2016.

Sa harap ito ng pangamba ni Commission on Election Chairman Andres Bautista na baka hindi matuloy ang eleksyon 2016 kung hindi matatanggal ang Temporary Restraining Order o TRO ng Supreme Court laban sa ‘No bio-No boto’ policy ng Comelec.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nasa interes ng lahat na matuloy ang nalalapit na halalan.

Una nang sinabi ni Chairman Bautista na malubhang makaka -apekto sa kanilang preparasyon para sa 2016 natl polls ang tro ng Korte Suprema.

Ang TRO ay inilabas ng Kataas-taasang Hukuman matapos na kuwestiyunin ng Kabataan partylist ang ‘No bio, No boto’ dahil sa labag ito sa Saligang Batas.

Giit pa ni Lacierda, desidido si Pangulong Aquino na bumnaba sa puwesto at magbakasyon ng mahaba sa oras na magtapos ang kanyang termino.

Sa katunayan, hindi na aniya makapaghintay ang Pangulo na matapos ang kanyang termino at nagbibilang na ng mga araw sa pagbaba niya sa puwesto.

Read more...