2 puganteng South Koreans arestado sa Pampanga
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted at pinaghahanap ng mga otoridad sa Seoul dahil sa ilegal na operasyon ng online gaming.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay kinilalang sina Lee Jongjin, 28 anyos at Chae Kwangbeom, 40 anyos na nadakip sa ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng ahensya sa Angeles City.
Ang dalawa ay naaresto sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa Clark Hills Subd. sa bisa ng mission order.
Sinabi ni Morente na ipatatapon palabas ng bansa ang dalawang dayuhan dahil sa pagiging undocumented makaraang kanselahin na ng Korean government ang kanilang pasaporte.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa game industry promotion act sa South Korea.
Ilegal kasi nilang inoperate ang tatlong private online servers sa Angeles City gamit ang pinekeng interface adapter ng isang registered online game na “Lineage 1”.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.