K-pop stars mula sa iba’t ibang K-pop group magkakasama ngayon sa Cebu

IG Photo
Magkakasama sa Cebu ang limang K-pop stars mula sa iba’t ibang K-pop group.

Ibinahagi ni Ravi mula sa Korean boy band na “VIXX” ang larawan kasama sina Kai (EXO), Sungwoon (Wanna One), Timoteo (Hotshot), at Taemin (Shinee).

Nakasaad sa post sa Instagram na ang naturang larawan ay kuha sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) Terminal 2.

Nagbahagi din sila ng mga video sa Instagram na ipinost noong Huwebes, Apr. 25.

Bago ito nagbahagi si Ravi ng video sa isang beach at larawan sa isang resort.

May psot din siyang larawan habang nakatingin sa cellphone na may caption na “CEBU GREEN GREEN”.

Read more...