Pinutol na paa ng survivor sa gumuhong Chuzon Supermarket, natagpuan

By Jimmy Tamayo April 26, 2019 - 10:58 AM

Natagpuan na ang pinutol na paa ng nakaligtas na tindera ng cellphone sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porarc, Pampanga kasunod ng magnitude 6.1 na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon noong lunes.

Nakita ng mga rescuer ang paa ng quake survivor na si Maria Martin pasado alas-7:00 ng umaga ng Biyernes, April 26.

Tatlong oras na naipit si Martin sa bumagsak na gusali at kinailangan na patulin ang kanyang paa para mailigtas siya mula sa guho.

Ang 25-anyos na si Martin ay 2 taon ng tindera ng mobile phone sa nasabing supermarket.

Habang naka-confine sa pagamutan, sinabi ni Martin na pumayag na siyang putulin ang kanyang paa para na rin sa kanyang buhay matapos na maipit ng bato at kongkreto mula sa bumagsak na gusali.

TAGS: 6.1 magnitude, Chuzon Supermarket, Luzon Quake, 6.1 magnitude, Chuzon Supermarket, Luzon Quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.