Resulta ng SWS survey kaugnay sa pagbaba ng bilang ng nakararanas ng gutom, malayo sa katotohanan ayon sa KMU
Kinontra ng Kilusang Mayo Uno ang inilabas na resulta ng Social Weather Station kaugnay sa sitwasyon ng kagutuman sa bansa.
Ayon sa KMU, taliwas ito sa tunay na sitwasyon at kalagayan ng mga ordinaryong manggagawa.
Sinabi ng grupo na nananatili pa rin ang matinding pagkagutom at kahirapan sa hanay ng mga obrero sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng bilihin
Sinabi ng mga ito na na kung totoo man na bumaba ng 1 porsyento ang pagkagutom sa ilang lugar sa bansa sa pagitan ng Enero hanggang Marso ay dahil lamang sa nalalapit na eleksyon.
Dahil dito, iginiit nt grupo na gawing P750 na minimum wage sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.