Dating Boston Celtics player na si John Havlicek pumanaw sa edad na 79

Pumanaw na si John Havlicek ng Boston Celtics sa edad na 79.

Ang Hall of Famer na si Havlicek ay hindi malilimutan sa kaniyang naging kontribusyon sa pagkakapanalo ng Boston Celtics noong 1965 Eastern Conference final ng NBA kontra sa Phildephia 76ers.

Ang ginawa ni Havlicek sa nasabing laro ay isa sa itinuturing pa rin na most famous plays sa kasaysayan ng NBA.

Si Havlicek ay mayroong walong NBA championships at nabigyan din ng pagkilala bilang MVP.

Kinilala din siyang isa sa 50 Greatest Players sa NBA History at nailagay sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong 1984.

Read more...