Ilang ruta sa NAIAx, isasara sa mga motorista sa susunod na linggo para sa maintenance work

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 09:48 AM

Isasara sa daloy ng traffic ang ilang bahagi ng NAIAx o NAIA Expressway sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Skyway mula alas 10:00 ng gabi ng Lunes, April 29 hanggang alas 4:00 ng umaga ng Martes, April 30 isasara ang sumusunod ang bahagi ng NAIAx patungong Bendia, Amorsolo, Don Bosco at EDSA.

Habang mula alas 10:00 ng gabi ng Martes, April 30 hanggang alas 4:00 ng umaga ng May 1 isasara ang bahagi ng NAIAx patungong Bicutan, Alabang, Sucat at SLEX.

Ayon sa Skyway may isasagawa silang maintenance work sa bahagi ng NAIAx.

Pinayuhan ng Skyway ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang nasabing mga kalsada sa naturang mga petsa para hindi maabala.

TAGS: expressway, NAIAx, Radyo Inquirer, road closure, Skyway, expressway, NAIAx, Radyo Inquirer, road closure, Skyway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.